Ngayong buwan madalas umano ang mga reklamo sa mga text scams sa tanggapan ng National Telecommunications Region 1.
Dahil dito, patuloy ang pagpapaigting sa kanilang kampanya upang maiwasang mabiktima ang publiko ng modus.
Ayon sa tanggapan, Iwasan agad na maniwala sa mga natatanggap na mensahe mula sa hindi kilalang numero na nagsasabing nanalo sa isang palaro, o kaya naman ay nanghihingi ng pera.
Huwag rin bigyan ng pansin ang mga humihingi ng PIN o OTP ng mga bank accounts at mga sinesend na mga link na maaaring makakuha ng data o mahack ang personal account.
Maaari naman umanong iblock ng NTC ang mga numero ng mga nagbabalak makapang biktima.
Sa ngayon, walang hawak na database ang tanggapan ng mga sim card user kaya naman ang kanilang kampanya sa pagbibigay ng impormasyon paano maiiwasang mabiktima ng mga mapagsamantala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨