Inirekomenda ng National Task Force Against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan muna sa 1,500 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na papapasukin sa bansa kada araw.
Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inirekomenda nila ito para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ilan kasi aniya sa mga nagpositibo sa COVID-19 at naisailalim sa genome sequencing ay mga OFW na galing sa iba’t ibang bansa.
Sa ngayon, hinihintay pa ni Galvez ang pasya ni Pangulong Duterte hinggil dito.
Facebook Comments