NTF against COVID-19, nakakita ng apat na kakulangan sa paglaban sa COVID-19

Natukoy ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang mga kakulangan ng gobyerno para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay National Action Plan against COVID -19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang unang lapses na kanilang nakita ay ang common practice na home quarantine ng mga positibo sa COVID-19 kaya naging malawak ang community transition sa Metro Manila, Region IV-A, Region VII, Iligan, Bacolod at iba pang lugar sa bansa.

Ang pangalawa ay ang kakulangan ng kaalaman sa end-to-end system ng contact tracing, pangatlo ay ang kakulangan ng isolation at quarantine facilities para sa positive cases, mga suspected at first contact na maging probable cases.


At panghuli ay ang pagtaas ng kaso ng severe at critical na nako-confine sa mga ospital.

Sa ngayon, ayon kay Galvez, gumagawa na ng paraan ang pamahalaan para matugunan ang mga pagkukulang na ito.

Facebook Comments