NTF against COVID-19, nilinaw na isang tao lamang ang papayagang lumabas kada pamilya sa ilalim ng ECQ

Isang tao lamang kada pamilya ang papayagang lumabas ng bahay sa pagsisimula ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Agosto 6.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr., layon nitong limitahan ang pag-galaw ng mga nasa Metro Manila lalo na’t nahaharap tayo sa banta ng COVID-19 delta variant.

Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ilalabas ang guidelines sa pagbibigay ng ayuda at pampublikong transportasyon bago magsimula ang ECQ.


Mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, tanging ang essential services ang papayagan at bawal din ang mga indoor dining.

Facebook Comments