NTF Against COVID-19, pinayagan nang makapasok sa bansa ang mga Pilipinong galing abroad; Pagpasok ng mga dayuhan, suspendido pa rin

Pinayagan na ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na makabalik ng bansa ang mga Pilipino kabilang ang mga non-Overseas Filipino Workers.

Ayon kay NTF Spokesman Restituto Padilla, ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kinakailangan pa ring sumunod sa immigration law at dumiresto sa mga quarantine facility.

Habang ang ilang returning Pinoys ay kailangang sumailalim sa COVID-19 RT-PCR test pagkalipas ng 6 na araw.


Samantala, suspendido pa rin ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa simula Lunes, Marso 22 hanggang Abril 21.

Ang mga papayagan lamang pumasok ng bansa ay ang mga sumusunod:

– Mga diplomat at miyembro ng international organization na may valid 9 (e) visa o Accredited Official of Foreign Government o ang 47(a)(2) visa o non-immigrant visa.

– Mga dayuhang kabilang sa medical repatriation duty na inindorso ng Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

– Mga foreign seafarers na sakop ng Green Lanes Programs.

– Emergency, humanitarian at iba pang analogous cases na inaprubahan ng NTF o ibang authorized representative.

Kaugnay nito, mananatili naman ang 1,500 na pasahero limitasyon para sa mga international inbound passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments