Nakahanda ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ipatupad ang Amnesty Proclamation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Executive Director, Undersecretary Ernesto Torres Jr., kasunod ng pagsang-ayon unanimously ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Proclamation Nos. 403, 404, 405, at 406 na nagbibigay ng amnsestiya sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front at iba pang front organizations.
Ayon kay Usec. Torres, sa pamamagitan ng pagbubukas ng daan tungo sa rekonsilyasyon, mapabibilis ang pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Kasunod nito, nagpasalamat ang NTF-ELCAC sa mga mambabatas sa kanilang suporta sa adhikain ng pangulo na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.