Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, sinabi ng pangulo na malaki ang nabawas sa internal security threat dahil sa NTF-ELCAC.
Naging epektibo kasi aniya ang pagtulong nito sa mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Marcos, tatapusin ng gobyerno ang iilan na lamang na mga barangay na hindi pa nalilinis kaya kailangan pa ang NTF-ELCAC.
Sa isyu ng red-tagging, nilinaw naman ng pangulo na hindi naman gobyerno ang gumagawa nito kundi kung sino-sino lamang.
Facebook Comments