Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi na maaaring tanggalan ng budget ngayong taon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Paliwanag ni Sotto, nasa batas na o sa 2021 General Appropriations Act ang P19 bilyon na pondo ng NTF-ELCAC.
Sabi ni Sotto, kung nais alisan ng pondo ang NTF-ELCAC, ito ay magagawa para sa susunod na taon.
Pero si Sotto ay hindi pabor na alisan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil lamang sa mga tagapagsalita nito na sina Lt. General Antonio Parlade Jr. at Undersecretary Loraine Badoy.
Giit ni Sotto, ang performance at mga programa ng NTF-ELCAC ang dapat pagbasehan kung popondohan ulit ito o hindi na sa susunod na taon.
Facebook Comments