NTF-ELCAC, isinulong sa Senado na gawing permanenteng ahensya

Isinulong ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na maging institutionalized o permanente na ang kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Layunin ng panukalang batas ni Dela Rosa na magpatuloy ang magagandang programa ng NTF-ELCAC para sa mga komunidad o barangay na deklaradong nalinis na mula sa impluwensya o pwersa ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA).

Ang NTF-ELCAC ay nilikha ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Executive Order no. 70.


Ang pangulo mismo ang chairman nito, vice chairman naman ang national security adviser at miyembro ang mga cabinet member.

Sa panukala ni Dela Rosa ay walang ipinalaan na pondo para sa NTF-ELCAC dahil manggagaling ito sa annual budget ng mga ahensya na magiging kasapi nito.

Magugunitang naging kontrobesyal ang NTF-ELCAC dahil sa red-tagging o pagpaparatang na kakampi o may koneksyon sa komunista ang ilang personalidad at grupo.

Facebook Comments