Magdadagdag pa ng tagapagsalita ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Presidential Communications Usec. Joel Egco, bukod sa mga National Spokespersons, magkakaroon din ng tagapagsalita sa bawat rehiyon.
Sa kasalukuyan, walo na ang mga tagapagsalita ng NTC-ELCAC kabilang sina;
• Lt. General Antonio Parlade
• PCOO Undersecretary Lorraine Marie Badoy
• DILG Undersecretary Jonathan Malaya
• Presidential Human Rights Committee Secretariat Usec. Severo Catura
• MMDA Assistant Secretary Celine Pialago
• National Commission on Indigenous Peoples Atty. Marlon Bosantog
• Gayedelle Florendo
• Presidential Communications Usec. Joel Egco
Samantala, ibinasura ng Davao del Norte Prosecutor’s Office ang isinampang kasong kriminal laban sa pitong indibidwal na inaresto dahil sa pagtulong ng mga kabataang lumad mula sa mga rebeldeng komunista sa Cebu City noong Pebrero.
Batay ito ng isang resolusyong may petsang ika-5 ng Mayo kung saan lakip ang mga kasong kidnapping, serious illegal detention, human trafficking at child abuse.