NTF-ELCAC, nanindigang sumuko ang 2 aktibista sa Bataan

Taliwas sa ipinalutang nang 2 aktibista na sila ay dinukot at pnwersang sumuko ng militar.

Nanindigan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na boluntaryong sumuko ang 2 communist front organizers na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Ayon kay NTF ELCAC Director Alex Umpar, labis labis nilang ikinalungkot ang pagbabago ng statement nina Tamano at Castro.


Paliwanag ni Umpar, sa katunayan nakipag-ugnayan pa sila sa lokal na pamahalaan ng Plaridel Bulacan dahil taga rito ang 2 aktibista.

Aniya, misyon nilang matulungan ang dalawa upang makapagsimulang muli matapos magbalik-loob sa gobyerno.

Handa aniya ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na umasiste para masiguro ang tulong sa lahat ng mga nais sumuko sa pamahalaan.

Kasunod nito, nangako ang NTF-ELCAC na titiyakin nila ang kaligtasan ng 2 at papanatilihin ang pagtataguyod sa kanilang karapatang pantao.

Facebook Comments