NTF-ELCAC, sinabing mahigit 5 milyong Pilipino ang mabebenepisyuhan sa Barangay Development Program

5.22 milyong Pilipino ang magbebenepisyo sa Barangay Development Program o BDP sa taong 2021 at 2022.

Ito ang sinabi ni National Security Adviser at National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman, Secretary Hermogenes Esperon.

Aniya, ang mga benepisyaryo ay mga residente ng 822 baranggay na na-clear ng Armed Forces of the Philippines mula sa impluwensya ng New People’s Army (NPA) na kabilang sa unang batch na isinailalim sa BDP.


Kabilang din sa mga benipisyaryo ay ang mga residente ng 1,406 barangay na kasama naman sa ikalawang batch na napasailalim sa programa para sa taong 2022.

Dagdag pa ni Esperon na mayroong 16.29 bilyong piso ng P16.44 bilyong pondo para sa unang batch ng BDP ngayong 2021 ay na-release na sa mga Local Government Unit (LGU).

Habang ang 28.12 bilyong pondo para sa ikalawang batch ng BDP sa 2022 National Budget ay kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso.

Aniya, ang mga barangay na napasama sa programa ay tatanggap ng tig-20 milyong piso para sa mga proyektong pangkaunlaran tulad ng farm-to-market roads, health stations, classrooms, water and sanitation systems, rural electrification (solar), at livelihood projects.

Facebook Comments