Sinusuportahan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ibinunyag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na CPP-NPA front ang grupong “Courage”.
Ang grupong Courage ay samahan ng mga empleyado ng gobyerno.
Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy na nagsisilbi raw mata at tenga sa pamahalaan ng mga komunista ang grupo ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon pa kay Badoy, binuo ng CPP-NPA ang grupo para kunwari ay ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa ngunit ang totoong layunin nito ay pabagsakin ang gobyerno.
Marami aniya sa mga miyembro ng grupo ang inosenteng na-recruit at walang kaalam-alam na nagagamit sila para sa layunin ng teroristang grupo.
Samantala, suportado rin ni Badoy ang panawagan na magkaroong ng imbestigayson ang Senado sa isyu.