NTF-ELCAC, tanggalan ng pondo at buwagin – Makabayan

Hindi kuntento ang ilang mga kongresista sa pagbawas ng Senado sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Giit nila Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate at Eufemia Cullamat, hindi sapat ang kaltas-pondo sa NTF-ELCAC at sa halip ay dapat na tanggalan na ito ng pondo at tuluyang buwagin ang ahensya.

Ipinalilipat ni Zarate ang pondo ng NTF-ELCAC sa special risk allowance at active hazard duty pay ng mga healthcare workers na kulang naman ang pondo sa ilalim ng 2022 budget.


Sinabi naman ni Cullamat na sayang lamang ang pondong ibinubuhos sa NTF-ELCAC kaya mas marapat na tanggalin na ng buo ang budget nito at lusawin na ang task force, na nahaharap sa mga isyu ng red-tagging at harassment.

Mas mainam aniyang pondohan ang kampanya ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination, pagpapalakas sa health services at ayuda sa mga apektado ng pandemya.

Facebook Comments