NTF-ELCAC, tinawag na political opportunism ang impeachment call ng Makabayan Bloc laban kay VP Sara Duterte

Political opportunism para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang impeachment call ng Makabayan Bloc laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, sang-ayon sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maapektuhan lamang ng impeachment ang mga dapat na mas pinagtutuunang isyu sa bansa.

Ito rin daw ay isang attempt ng political mileage bago pa ang 2025 midterm elections.


Sabi pa ni Malaya, hindi nila hahayaan ang anumang attempt ng karahasan sa bansa.

Nabatid na nagsimula nang mangalap ng mga pirma ang Makabayan Bloc sa Kamara upang maabot ang requirement na one-third ng mga kongresista at agad mai-transmit ang inihaing impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa Senado.

Facebook Comments