NTF, himinok ang DTI na magsagawa ng crackdown laban sa mga nagbebenta ng substandard na face masks

Hinimok ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang Department of Trade and Industry (DTI) na habulin ang mga nagbebenta ng imported face masks na mababa ang kalidad.

Nabatid na ipinag-utos ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa pampublikong lugar bilang bahagi ng minimum health standards para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nakatanggap sila ng mga ulat hinggil sa mga naglipanang imported face masks sa mga pamilihan na hindi pumasa sa health standards ng bansa pero ibibibenta sa mas murang halaga.


Sinabi ni Galvez na nagkaroon na siya ng koordinasyon kay Trade Secretary Ramon Lopez para aksyunan ito.

Hinimok ng DTI ang publiko na bumili ng locally-made face masks.

Sa ngayon, nakakagawa na ang bansa ng nasa 60 million face masks kada buwan at inaasahang aakyat pa ito hanggang 66.4 million hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments