NTF, hinimok si Pangulong Duterte na manawagan para sa ligtas na pagdiriwang ng holiday season

Hihikayatin ng National Task Force (NTF) against COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng public announcement sa kung paano maaaring maipagdiwang ng mga Pilipino ang Christmas Season nang ligtas.

Sa taya ng OCTA Research Group, ang reproductive rate ng COVID-19 sa Metro Manila ay tumaas mula 0.99 patungong 1.06 ngayong Disyembre dahil mas maraming tao ang pinayagang lumabas ng kanilang mga bahay bunga ng pinaluwag na quarantine restrictions.

Ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., gagawa sila ng rekomendasyon sa Pangulo na magkaroon ng pronouncement sa publiko.


Inaasahan na nilang tataas ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Metro Manila na siyang episentro ng pandemya sa bansa.

Pinag-iingat ni Galvez ang publiko sa pagdalo sa mass gatherings dahil mabilis nitong naikakalat ang sakit.

Mahalagang sundin pa rin ang safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kabilang ang paglilimita sa 10 tao sa bawat pagtitipon at pagsunod sa physical distancing.

Facebook Comments