NTF, iginiit na wala silang alam sa koneksyon ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Pharmally

Inihayag ni National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na hindi nila alam na may koneksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyales ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ang Pharmally ay ang pinagbilhan ng Department of Health (DOH ) ng mga umano’y overpriced COVID-19 pandemic supplies.

Ayon kay Galvez, nasa ilalim ang bansa ng krisis dahil sa pandemya at ang buhay ng mga medical workers ang kailangan nilang isalba kaya’t ginawa lamang nila ang dapat gawin ng ahensya.


Samantala, handa naman si Galvez na humarap sa susunod na pagdinig sa Senado at sagutin ang mga tanong na ibabato sa kaniya.

Facebook Comments