NTF, ipinaalala sa mga LGU na bigyang prayoridad ang pagbabakuna ng 2nd dose

Kasunod nang pagkaantala ng dating ng mga bakuna sa bansa dahil sa global supply constraints, nanawagan ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa mga local authorities na i-prioritize ang pagbibigay ng second dose sa mga nabakunahan na ng 1st dose.

Ayon kay NTF Deputy chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon, partikular ito sa mga nabakunahan ng 1st dose ng Sinovac vaccine.

Ani Dizon, maaantala kasi ang pagdating ng susunod na shipment ng Sinovac sa July 18 at hihintayin pang magkaroon ito ng Certificate of Analysis (COA) bago tuluyang maiturok sa ating mga kababayan.


Nabatid na ang paparating na Sinovac vaccines sa bansa ay nasa 2.5 milyong doses.

Facebook Comments