Nais makasiguro ng National Task Force against COVID-19 na may mabibilhang booster shots ang Pilipinas, saka-sakaling irekomenda na ng World Health Organization (WHO) na kailangan na itong gawin dito sa bansa.
Kaya naman, sinabi ni NTF against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na ngayon pa lamang ay nagsimula na silang makipag diyalogo sa mga manufacturer ng booster shots.
Ayon kay Galvez, apat na manufacturers na ang kanilang kinakausap hinggil dito.
Layon nitong maselyuhan ang non-binding term sheet sa lalong madaling panahon upang matiyak na may aasahang suplay ng booster shot ang bansa.
Una nang naglaan ng P45 billion na pondo ang pamahalaan bilang pambili ng booster shots.
Facebook Comments