Inilatag ng National Task Force against COVID-19 ang mga kondisyon hinggil sa pagpapahintulot ng home quarantine para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, NTF Chairperson, ang bahay kung saan iku-quarantine ang pasyente ay kailangang mayroong hiwalay na kwarto at may sariling banyo.
Ipaprayoridad sa home quarantine ang mga senior citizens na hindi pinapayuhang ilipat sa isolation facility.
Kailangan din silang regular na matingnan ng Barangay Health Emergency Response Teams o ng Municipal Health Officer para sa anumang senyales o sintomas.
Ang proposal na ipagbawal ang home quarantine ay hindi pa naaaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF-MEID).
Facebook Comments