Gumagawa na ng hakbang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang i-integrate o pag-isahin na lamang ang mga contact tracing apps at iba pang aplikasyon para sa QR Code tuwing buma-biyahe ang publiko.
Ayon kay National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, ito talaga ang objective ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan kasi, iba-iba ang platform na ginagamit sa bansa.
Nariyan ang StaySafe.ph, VaxCertPh, Contact Tracing App ng mga Local Government Unit (LGU) tulad ng S-Pass at iba pa.
Sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan, mainam na hintayin na muna ang DICT para dito.
Aniya, patuloy namang pinag-aaralan ng gobyerno ang mga hakbang upang mapadali ang kilos ng publiko sa kabila ng hirap na dala ng COVID-19 pandemic.