Mananatili ang mandatoryong pagsusuot ng face mask hanggang matapos ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., hindi pa nila napag-uusapan ang pagtatanggal ng face mask lalo na’t ito ang pinakahuling depensa natin sa virus.
Aniya, hangga’t hindi natatapos ang pandemya at hindi pa nawawala ang COVID-19 ay hindi aalisin ang patakaran sa face mask.
Nauna nang sinabi ni Galvez na ang mandatoryong pagsusuot ng face mask ay posibleng alisin na sa ikaapat na kwarter ng taon kung magiging “very manageable” na ang pandemya sa panahong iyon.
Facebook Comments