Pabor maging si National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na ibaba sa Alert Level 3 ang status sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Herbosa na gumaganda na ang vaccination rate, positivity rate, case fatality rate at COVID-19 daily cases sa Metro Manila.
Pero sinabi ni Herbosa na dapat ay dahan-dahan lang ang pagbaba ng alerto upang hindi magaya sa India na biglang nagkaroon ng COVID-19 surge.
Sa kabila nito, tutol naman ang ilang medical groups at ospital na ibaba ang alert level sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Chairperson ng San Lazaro Hospital–Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine, binigyang-diin nito na masyado pang maaga para ibaba ang alert level dahil nasa 75% pa rin ang capacity sa mga ospital.