Naniniwala si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na kung may karapatan ang isang tao na tumanggi sa bakuna ay may karapatan din umano ang isang organisasyon na protektahan ang kanilang institusyon mula sa nakamamatay na virus.
Ayon kay Galvez sa kanyang malawak na karanasan sa larangan ng recruitment ang basic principle aniya ay kunin ang pinakamagaling sa lahat ng kwalipikadong aplikante at ang mga may liability ay hindi talaga napapabilang o natatanggap.
Naniniwala naman si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na dapat gawing mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bakunado ang mga empleyado lalo na sa mga labor intensive businesses.
Paliwanag ni Concepcion na parang hindi aniya tama na ang kanilang mga customers ay dapat bakunado pero ang kanilang mga empleyado ay hindi bakunado.