Target na maisapinal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang supply agreements nito sa tatlong international vaccine manufacturers sa una o ikalawang linggo ng Abril para sa karagdagang supply ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., umaasa ang pamahalaan na mapapagtibay ang kasunduan sa Johnson & Johnson (J&J) ng Estados Unidos, Gamaleya Research Institute ng Russia, at Pfizer ng US.
Magkakaroon siya ng pulong sa mga kinatawan ng Johnson & Johnson ngayong araw para pag-usapan ang mga pinal na detalye ng supply agreement.
Bukod dito, mayroon ding follow-up meeting si Galvez sa Gamaleya.
Kaugnay nito, naisapinal na ng NTF ang vaccine deals sa apat na vaccine manufacturers: ang Sinovac Biotech ng China, AstraZeneca ng United Kingdom, Moderna ng US, at Serum Institute ng India.
Tinatayang nasa 1.5 million doses ng Sinovac vaccines, 100,000 doses ng Sputnik V vaccines at isang milyong doses mula sa COVAX Facility ang inaasahang darating sa Abril.