NTF, sisikaping makamit ang 20-M mga Pilipinong fully vaccinated ngayong Setyembre

Susubukan ng National Task Force Against COVID-19 na maabot ang target nitong 20 milyong mga Pilipinong mababakunahan sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., susubukan nilang bilisan pa ang pagbabakuna ngayong Setyembre hanggang Oktubre.

Sa ngayon kasi ay nasa higit 14 milyong mga Pilipino pa lamang ang fully vaccinated o katumbas ng 18.22% pa lamang ng target population ng Pilipinas.


Ani Galvez, malayo pa ito sa target na 77 milyong mga Pilipinong dapat na makakumpleto ng bakuna para makamit ang population protection ng bansa.

Inaasahang nasa lima hanggang anim na milyong second shots pa ang ituturok upang umabot sa 20 milyon ang makakumpleto ng bakuna ngayong buwan ng Setyembre.

Facebook Comments