Buo ang suporta ni Dr. Ted Herbosa medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 sa isinusulong ng gobyerno na gawing 90% ang vaccination rate sa mga estudyante na lalahok sa face-to-face classes sa susunod na school year.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa na mas maganda kasi kung bakunado ang mga estudyante kapag nagsagawa na ng face-to-face ngayong 2022-2023 school year upang sila ay mas ligtas mula sa virus.
Mahalaga aniyang vaccinated ang mga mag-aaral dahil makikita naman sa sitwasyon sa ilang mga bansa na nagkaroon sila ng mini-outbreak nang magbukas ang face-to-face sa mga paaralan kaya’t kinailangan nilang muling magsara at bumalik sa online learning.
Resulta ani Herbosa ito ng mababang vaccination rate ng mga kabataan na kung saan mahalaga ring mabakunahan ang mga ito kontra COVID-19.