NTF, target ang PCR testing sa 14 milyong residente sa Metro Manila

Target ng pamahalaan na isailalim sa Polymerase Chain Reaction o PCR testing ang 14 na milyong residente ng Metro Manila para sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, gagawin aniya ito sa pamamagitan ng pooled testing.

Sa ilalim ng pooled testing, pagsasamahin ang sample ng isang grupo ng mga tao.


Kapag nagnegatibo ang isa sa mga samples ng grupo ay awtomatikong negatibo na ang lahat ng natitira.

Kung lumabas ay positibo, papaliitin aniya ang pool o bilang ng mga tao na nakapaloob sa grupo hanggang sa nahanap ang mga positibong pasyente.

Tiwala si Dizon na maaabot ang 32,000 daily test ngayong buwan.

Facebook Comments