Natukoy na ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang lot numbers ng mga bakuna kontra COVID-19 na iligal na ibinenta.
Sinabi ni NTF Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na nagsasagawa na sila ng follow-up operation katuwang ang Food and Drug Administration (FDA), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) Intelligence Unit at Philippine National Police (PNP).
Tiniyak ni Galvez na maparurusahan ang mga nasa likod ng iligal na aktibidad sa ilalim ng Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Binigyang diin ni Galvez na ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi nakatutulong sa panahong nagsisikap ang pamahalaan na makakuha ng sapat pang suplay ng bakuna para makamit ang population protection bago matapos ang taon.