NTF, tiniyak na sapat pa ang natitirang 100–M COVID-19 vaccine sa bansa

Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na sapat ang natitirang 100 milyong doses ng bakuna para sa taong ito.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kumpiyansa siyang maituturok ang nasabing mga bakuna ngayong taon.

Aniya, gagamitin ang 10 milyong doses ng bakuna sa pediatric age groups, 60 milyon bilang booster shot, 1.8 million doses para sa senior citizens at 24 milyong doses bilang fourth dose o second booster shots.


Nabatid na naglaan ang pamahalaan ng P45.3 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccine booster shots ngayong taon.

Kasabay nito, nilinaw ni Galvez na maliit na porsyento lamang ng COVID-19 vaccine ang nasayang sa bansa, partikular sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Agaton.

Inaasahan aniya nila na 5 milyong mga bakuna ang masasayang ngunit batay sa kanilang natanggap na mga ulat ay humigit kumulang 200,000 doses lamang ang vaccine wastage.

Facebook Comments