NTF, umaasang magtutuloy-tuloy pa rin ang mataas na bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19 sa 2022

42

Naniniwala ang National Task Force Against COVID-19 na magtutuloy-tuloy pa sa 2022 ang mataas na bilang ng mga nababakunahang indibidwal.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Strategic Communications on Current Operations Assistant Secretary Wilben Mayor, umaasa siyang maaabot na natin sa unang quarter ng 2022 ang 77 million na fully vaccinated Filipinos.

Kasunod nito, nanawagan si Mayor sa mga hindi pa bakunado na samantalahin na ang pagkakataon lalo na’t marami tayong supply ng mga bakuna at may banta rin ng mas nakakahawang Omicron variant.


Samantala, umabot na sa 200,885,005 doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas kung saan pinakahuling dumating ang halos dalawang milyong AstraZeneca vaccine kagabi.

Facebook Comments