Mariing kinokondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), ang mapanganib na blocking maneuvers ng China Coast Guard vessel sa Armed Forces of the Philippines-contracted indigenous resupply boat.
Ayon sa NTF-WPS, tahasang paglabag sa Philippine sovereignty, sovereign rights and jurisdiction at pagsasawalang-bahala sa United Nations Charter, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) at iba pang international maritime conventions at 2016 Arbitral Award ang ginawa ng China.
Matatandaang dakong alas 6:04 ng umaga kahapon, noong magsagawa ng regular and routine Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre ang resupply boat Unaiza May 2 binangga ito ng China Coast Guard vessel 5203 (CCGV 5203).
Sa kaparehong RORE mission, muling binangga ng Chinese Maritime Militia vessel ang barko ng Philippine Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal.
Sa kabila ng insidente, matagumpay namang nahatiran ng supply ang tropa ng pamahalaan na nakaposte sa BRP Sierra Madre, Ayungin Shoal.