NUCLEAR DEAL | Iran, bumuwelta sa pangingialam ng western countries

Iran – Ikinagalit ni Iranian President Hassan Rouhani ang pangingialam ng Estados Unidos at European Countries hinggil sa kanilang nuclear deal.

Ayon kay Rouhani, walang karapatan ang mga kanluraning bansa para baguhin ang kanilang nuclear deal.

Wala aniyang background sa pulitika at batas partikular sa international treaties ang mga ito.


Tugon ito ng Iran sa pahayag ni US President Donald Trump at French President Emmanuel Macron na may ginagawa silang hakbang na posibleng mapalawig ang nilalaman ng 2015 nuclear deal.

Facebook Comments