Nuclear energy framework na binuo ng administrasyong Duterte, makatutulong sa planong pagbuhay sa BNPP

Tama ang hakbang ng administrasyong Duterte na pasimulan ang framework para sa nuclear energy.

Sa harap ito ng plano ng papasok na administrasyon ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) bilang source ng kuryente.

Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Energy Usec. Gerardo Erguiza Jr. na hindi basta-basta ang pagbuo ng nuclear energy framework dahil inaabot ito ng 8 taon.


Ibig sabihin, hindi pwedeng magpatayo o i-rehabilitate ang BNPP kung wala ang nasabing framework.

At dahil inumpisahan na ni Pang. Duterte, mai-uugnay anya ito sa energy agenda ng susunod na administrasyon ni Marcos.

Ayon kay Erguiza, hindi na magiging mahirap ang pagpapatupad at pagpapatayo ng nuclear power plant sa Pilipinas.

Pinawi naman ng opisyal ang mga pangamba sa kaligtasan ng nuclear energy dahil mayroon anyang sinusundang apat na cornerstones ang pagbuo ng nuclear power program.

Facebook Comments