NUCLEAR ENERGY PARA SA MAS MURANG KURYENTE, MULING IPINANAWAGAN NG ISANG MAMBABATAS SA PANGASINAN

Muling tinalakay ng isang mambabatas sa Pangasinan ang positibong maidudulot ng pagkakaroon ng nuclear power plant sa bansa para sa mas mura at pangmatagalang pagkukunan ng kuryente.

Sa isang pagdinig, hinimok ng mambabatas na baguhin ng Department of Energy ang perspektibo nito mula sa mas mahal na kuryente na nagmumula sa mga solar at wind power plants tungo sa kaibahang maidudulot ng nuclear power plants.

Dapat din umanong ikonsidera ng tanggapan ang pangungutang ng bansa ng bilyong dolyar na halaga na magbibigay daan sa pagtatayo ng tatlong karagdagang brand new nuclear power plants sa Bataan na may kapasidad na 1,100 megawatts o kabuuang 3,920 megawatts.

Mayroon din umanong electric service company ang nagkokonsidera na bumili ng 6,000 megawatts sa 2031 sakaling maisakatuparan ang proyekto at madadagdagan pa ang bibilhing kuryente kada taon.

Layunin na matugunan ang inaasahang pagtriple ng demand sa kuryente sa 2040 at makapagbigay ng abot kayang kuryente para sa mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments