North Korea – Nagpahayag ang North Korea ng kahandaan para sa pagpapatupad ng ‘complete denuclearization’.
Ayon kay South Korean President Moon Jae-In, ang pagbubuwag ng nuclear programs ng Pyongyang ay layuning maitatag ang kapayapaan hindi lang sa Korean peninsula kundi maging sa Estados Unidos.
Hindi aniya nagkabit ang North Korea ng anumang kondisyon na hindi tatanggapin ng Amerika tulad ng pag-alis ng mga American troops sa South Korea.
Una nang iniulat ng Central Intelligence Agency (CIA) na hindi nagde-demand si North Korean Leader Kim Jong-Un na bawiin ng Amerika ang pwersa nito.
Facebook Comments