Manila, Philippines – Inihayag ng Japanese Embassy ng Pilipinas ang ilang mga usaping tatalakayin nila pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ikalawang pagbisita ng Pangulo sa Japan na gaganapin sa October 29 hanggang 31.
Ayon kay Deputy Chief of Mission, Minister Takehiro Kano sa briefing sa Malacanang, tatalakayin ni Pangulong Duterte at PM Abe ang Nuclear issue sa Korean Peninsula, paglaban sa Iligal na droga at terorismo, socio economic relations at ang infrastructure projects.
Tiniyak din naman ng Japan ang kanilang suporta sa Mindanao partikular ang pagtulong nito sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Kaugnay niya ay hindi parin naman makapaglabas ng kumpletong detalye ang Malacañang sa kabuoang delegasyon ni Pangulong Duterte sa Japan.
Ayon naman kay Foreign Affairs Spokesman Robesphere Bolivar, kabilang sa delegasyon ng Pangulo ay ang economic Managers o ang mga kalihim ng DTI, DOF, at DBM.
Nuclear threat ng North Korea, kabilang sa pag-uusapan ni Pangulong Duterte at Japanese Prime Minsiter Shinzo Abe
Facebook Comments