NUCLEAR WEAPONS PROGRAM | Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, iginiit na nagsinungaling ang Iran

Israel – Iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nagsinungaling ang Iran na hindi na nila isusulong ang nuclear weapons program.

Ayon kay Netanyahu, ipinagpatuloy at pinalawak pa nila ang programa kahit lumagda sila ng kasunduan noong 2015 sa global powers.

Sa pamamagitan ng presentation, nagpakita si Netanyahu ng mga litrato at video tungkol sa sikretong nuclear facilities ng Iran at mga dokumentong nagsasaad ng planong bumuo ng atomic weapons.


Pumalag naman ang Iran sa pahayag ni Netanyahu at iginiit na propaganda ang kanyang nuclear presentation.

Facebook Comments