Nuestra Señora de Salvacion Parish, nananawagan ng karagdagang tulong sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Sta. Mesa

Umaapela ang Nuestra Señora de Salvacion Parish sa publiko ng karagdagang tulong sa mga nasunugan sa Road 12, Anonas Street sa Sta. Mesa Maynila.

Sa pahayag ng simbahan, nasa 217 pamilya ang hindi pa rin makaahon matapos matupok ang kanilang mga tahanan.

Bukod dito, halos wala ring naisalbang mga gamit ang mga nabiktima ng sunog at hindi pa rin nila naitatayo ang mga bahay.

Ilan sa mga pangangailan ng mga pamilya ay mga essential supply tulad ng pagkain, malinis na tubig, gatas, kape, asukal, at medical supplies.

Ang mga nais magbigay ng donasyon ay maaaring dalhin sa opisina ng nabanggit na simbahan sa may kanto ng Anonas at Hipodromo Street sa NDC Compound sa Sta. Mesa, Maynila.

Binalaan naman ng pamunuan ng simbahan ang publiko sa mga pekeng indibidwal at grupo na nagpapakilalang tauhan nila o representante ng mga nasunugan kung saan agad i-report sa mga awtoridad.

Facebook Comments