Nueva Ecija at Mountain Province, ”Insurgency-Free” na ayon sa NTF-ELCAC

Inanunsyo ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Undersecretary Ernesto Torres Jr., sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Aguinaldo, na “Insurgency- Free Provinces” na ang Nueva Ecija at Mountain Province.

Ayon kay Torres, ibig sabihin ay nakamit na ng mga nasabing lugar ang stable internal peace at security status nito.

Dagdag pa nya, kahit na nakamit na ito ng mga nasabing lugar ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang pagtitiyak sa seguridad.

Kung saan, katuwang ng ahensya ang mga security at civilian sectors para maprotektahan ang mga komunidad para hindi na marecover muli ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front o CPP-NPA-NDF .

Hinikayat naman ni Torres ang mga natitira pang rebelde na sumuko na dahil may mga nakalaang programa ang pamahalaan para sila ay makapagsimula muli ng panibagong buhay.

Facebook Comments