Nueva Ecija bus tragedy, pinapaimbestigahan ni Senator Pacquiao

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng paghahain ng Senate Resolution No. 346 ay pinapaimbestigahan ni Senator Manny Pacquiao ang pagkahulog ng Leomarick bus sa isang bangin sa Nueva Ecija noong April 18 kung saan mahigit 30 ang nasawi ang marami ang nasugatan.

Target ng pagdinig na mabusisi ang umiiral na road safety policies and regulations sa bansa.

Layunin ng pagdinig na mapabuti pa ang road safety standards upang maproteksyunan ang milyun-milyong pasahero at mga naglalakad o tumatawid sa lansangan.


Giit ni Senator Pacquiao, tungkulin nila na magpasa ng mga batas at polisiya na titiyak sa kaligtasan at maaasahang road safety system sa buong bansa.
Kumbinsido si Senator Pacquiao na kaya tumataas ang bilangng aksidente sa lansangan ay dahil sa mga palpak na signs at imprastraktura.
DZXL558

Facebook Comments