Sunday, January 18, 2026

Nueva Era sa Ilocos Norte,niyanig ng lindol ngayong hapon

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang bayan ng Nueva Era sa Ilocos Norte kaninang pasado alas-5:00 ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 14 na kilometro sa Timog-Silangan ng Nueva Era.

May lalim lamang na isang kilometro ang pinagmulan ng pagyanig at tectonic ang dahilan.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 4 sa Batac City,Ilocos Norte,intensity 3 sa Paoay, Ilocos Norte, Laoag City, Pasuquin, Ilocos Norte.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Vigan City, Ilocos Sur at intensity 1 sa Bangued, Abra.

Sabi pa ng PHIVOLCS, wala namang inaasahan pinsala at aftershock sa nangyaring lindol.

Facebook Comments