Nueva Vizcaya, Nakapagtala Lamang ng 1 Kaso ng COVID-19, 1 Nakarekober

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala lamang ng isang panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Nueva Vizcaya na dating tinaguriang epicenter ng virus sa rehiyon dos.

Sa inilabas na datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), si CV 2909 na 44 taong gulang na babae mula Villa Flores, Sta Fe ay nagpositibo sa COVID-19 kung saan walang naging history of travel habang inaalam pa kung paano ito nahawa.

Kasalukuyan nang naka-admit sa R2TMC ang nagpositibo.


Kaugnay nito, nakapagtala naman ang lalawigan ng isang (1) gumaling sa COVID-19 na si CV2601, isang 35 taong gulang na babae mula sa Bascaran, Solano.

Sa ngayon nasa 14 na lamang ang natitirang active cases sa probinsya mula sa total confirmed cases na 617.

Umabot naman sa 583 ang naitalang recovered cases at 20 na death cases.

Facebook Comments