Nueva Vizcaya, Nakapagtala ng Panibagong kaso ng COVID-19

Cauayan City,Isabela- Nakapagtala na rin bagong kumpirmadong kaso ng corona virus ang Bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya ngayong araw matapos magpositibo ang isang Overseas Filipino Worker.

Ayon sa pahayag ni Governor Carlos Padilla, isang 34-anyos na lalaki ang positibo sa virus na nagkaroon ng direktang pakikisalamuha sa iba pang OFW mula naman sa Bayan ng Lagawe, Ifugao.

Batay sa ulat, dumating ang OFW sa Metro Manila mula sa bansnag Jubail, Saudi Arabia noong Mayo 20 at dumating lamang sa probinsya itong Hunyo 7 na gaad na dinala sa Region 2 Trauma Medical Center para sa atensyong medical.


Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng pasyente.

Facebook Comments