NUEVA VIZCAYA PROVINCIAL HOSPITAL, MATATAPOS NA NGAYONG TAON

CAUAYAN CITY- Posible ng mabuksan sa publiko ang Nueva Vizcaya Provincial Hospital sa darating na buwan ng Disyembre ngayong taon.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang konstruksyon ng una at ikalawang palapag nito na malapit ng matapos.

Kapag natapos, ang apat na palapag na gusali ay inaasahang makapagbibigay ito ng healthcare services gaya ng general medicine, pediatrics, at obstetrics.


Nakaplano rin itong lagyan ng mga makabagong kagamitan at medikal na teknolohiya partikular sa una at ikalawang palapag upang masiguro na tama ang diagnosis at epektibo ang treatment plans para sa kalidad na pag-aalaga sa lahat ng pasyente sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Facebook Comments