Nueva Vizcaya, wala nang positibong kaso ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ni Medical Chief Dr. Napoleon Obania ng Region 2 Trauma and Medical Center sa Probinsya ng Nueva Vizcaya na nagnegatibo na ang huling pasyente na positibo sa corona virus o COVID-19.

Ayon kay Dr. Obania, negatibo ang ikalawang swab test result ni PH 2315, 53 anyos.

Samantala, inihayag naman ni Santiago Medical City Chief Dr. Anthony Toquilar na nasa maayos ng kalagayan ang isang doktor na nagpositibo sa sakit mula sa Bayan ng San Agustin sa Isabela.


Ayon pa sa kanya, negatibo sa resulta ng covid-19 ang mga close contact nito na miyembro ng kanyang pamilya.

Sa kabuuan, nakapagtala ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ng 5 kumpirmadong COVID-19 cases kung saan apat (4) dito ay nag-negatibo na habang ang isa ay namatay.

Facebook Comments