Naghihintay ang Philippine National Police (PNP) ng commitment order mula sa korte para mailipat si Police Master Sergeant Jonel Nuezca ng kulungan.
Si Nuezca ay suspek sa pagpatay sa mag-iinang Sonya at Frank Anthony Gregorio na nailibing na ang mga labi kahapon.
Ayon kay Central Luzon Police Director, Brigadier General Valeriano de Leon, maaaring ilipat si Nuezca mula sa police custody sa Paniqui patungong jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kapag nagsimula na ang trial sa double murder cases laban kay Nuezca.
Mananatiling nakakulong si Nuezca habang pinoproseso ng PNP ang dismissal niya mula sa serbisyo.
Facebook Comments