Nuezca, sinira ang reputasyon ng mga pulis ayon sa Central Luzon Police Chief

Matinding sermon ang natanggap ng tinaguriang ‘killer cop’ na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca matapos ang ginawa nitong karumal-dumal na pagpatay sa mag-iina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Central Luzon Police Chief Police Brigadier General Valeriano de Leon, sinira ni Nuezca ang reputasyon ng Philippine National Police (PNP).

Aniya, tila aso lang na pinatay na malapitan ni Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio.                                                                                                                                     Depensa ni Nuezca na nag-alala lamang siya sa kanyang anak noon.


Pero sinabi ni De Leon kay Nuezca na masisibak siya sa ginawa nito.

Muling sinabi ni Nuezca na nagsisisi siya sa kanyang ginawa pero umapela siya na tulungan ang kanyang pamilya.

Pero sagot ni De Leon, galing ang halot lahat kay Nuezca at walang kakampi sa kanyang ginawa.

Tiniyak naman ni De Leon na tutulungan ng PNP ang pamilya ni Nuezca sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maayos na intervention kasunod ng malagim na insidente.

Facebook Comments