NUJP at NPC, ikinalugod ang naging hatol sa mga akusado ng Maguindanao Massacre

Maituturing na tagumpay para sa National Union Journalist of the Philippines (NUJP) ang hatol na ‘guilty’ sa mga nasa likod ng Maguindanao Massacre.

Ayon kay NUJP Director Raymond Villanueva, patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan at tututulan ang mga pag-atake sa mga miyembro ng media.

Kaugnay nito, nanawagan si National Press Club of the Philippines President Rolando Gonzalo sa mga awtoridad na tutukan ang paghahanap at paghuli sa iba pang suspek ng krimen.


Facebook Comments